Conve with Sopasiology
- Monik daw: Gaano ka na katagal nagbblog. Wah talaga?
- Best in the world: Grade 1 palang ako pangarap ko na to, nagstart ako 3rd or 2nd year High school.. hindi ko alam kung blogging bayun.. pero cool..
- M: Since nasa internet naman tayo, hindi ako magttrip para magtanong ng tungkol sa internet (tulad ng tumblr, blogs, followers, notes, likes) Gusto kong magtanong ng iba pang bahagi ng isang SOPASIOLOGY. OK lang ba?
- BITW: K.
- M: Pwede ko na bang simulan ang ikaapat na tanong?
- BITW: Feel at home..
- M: Eto na. Ilang porsyento ang pingakaiba ni (BITW= Real name) kay Sopasiology?
- BITW: Wala naman, pinagkaiba lang siguro kapag kaharap na ang mga tao, suplado ako.. Madalas, sila ang dapat unang pumansin sa akin, bakit? Mahiyain kasi ako.
- Nakakaloko naman kung magkaiba si sopas at si best in the world diba? .. Ako rin kasi yun, masseryoso lang ng onti si BITW.. or siguro, yung sopas yung naiisip ko lang.. pero iisang tao lang yun so walang pinagkaiba.. iisa lang sila.. corny pareho, pareho ding walang sense of humor..
- M: Napansin mo bang medyo related sa internet ang tanong last question ko?
- BITW: Hindi..
- M: Seryoso na. Ngayon, kunwari hawak mo ang isang salamin. Isusuot mo ba? Sure ka? De joke lang. Magbigay ka ng isang taong gusto mong isama sa langit. At para mas malinaw, wag natin isama ang pamilya syempre alam nay un. Maliban don.
- BITW: si Miho sana, kaso Angel na siya.. si Maja nalang.. No choice.. pero pwede naman akong magpaaudition..
- M: At naniwala kang sa langit ka mapupunta?
- BITW: Hindi ko din alam..
- M: Kung may isang araw ka nalang na natitira para mabuhay, anong gagawin mo?
- BITW: Iinom ng maraming Icy choco.. Tas kapag last 2 - 3 hours na lang, kakain ako sa pinakamahal na buffet resto sa mundo.. Bahala ng magbayad yung mga maiiwan ko..
- M: Bad side ?
- BITW: Mainitin ang ulo ko..
- M: Good Side?
- BITW: Mabilis mawala ang galit ko. Bigyan mo lang ako ng ilang oras, OK na ulit ako.. Pero depende parin.. depende..
- M: Talaga may good side?
- BITW: Oo naman parang spaghetti lang yan..
- M: Sa panahon ng kalungkutan, paano mo ito tinatakasan?
- BITW: Kumakain ako ng masarap na pagkain.. kapag malungkot ako, di mo ako mapapakain ng di ko gusto(okra).. di bale ng mamatay ako sa gutom..
- M: Motto in life. Sariling motto. With explanation.
- BITW: Time is Tree, marami ng nasira ang mga bagyo dahil sa mga pagputol ng puno... pero wala talaga akong maisip.. next time nalang..
- M: 10 years from now, ano nang balita sayo?
- BITW: 31 Years old na ako noon.. kasal na kami ni Maja Salvador at may dalawang anak.. at kabit ko si Miho.. secret lang ha..
- M: Ang dahilan kung bakit ka nagiging masaya o maungkot.
- BITW: Masaya ako, kapag masaya yung mga taong mahal ko.. tas ganoon din sa malungkot, malungkot pag malungkot sila..
- M: Pwedeng pahabol na question?
- BITW: Feel at home..
- M: Gasgas na ang tell me about your self. Pero gusto kong hilumin to. Now, tell me about your self. Yung hindi nila alam. Nakikinig kami sayo, Malaya kanng sabihin ang gusto mong sabihin na labas sa mga katanungang ito. . . . (^_____________^)
- BITW: Ang alam ko ay Emosyonal akong tao, kapag badtrip ako, badtrip ako, kapag masaya ako, masaya ako. Mahiyain talaga ako.. as in.. Tas kadalasan kapag ayaw kong gawin ang isang bagay, nagdadahilan ako.. yun lang.. di naman ako nagaapply ng trabaho, bat ganyan ang tanong mo :|
- BITW: May gusto nga pala akong sabihin, Thank you and Lovelots.. <3

