Conve with UTAKBASURA
- AKO: Gaano kana katagal nagba-blog. Weh talaga?
- UTAKBASURA: Mag-iisang taon na akong nagsusulat at nagbabahagi ng mga bagay at ideya na nasa nabubulok kong isipan. Pero sa totoo lang, wala naman talaga akong planong pumasok sa ganitong bisyo. Pero nasimulan ko na eh, ang hirap nang iwan.
- AKO: Since nasa internet naman tayo, hindi ako magti-trip para magtanong ng tungkol sa internet (tulad ng tumblr, blogs, followers, notes, likes) Gusto ko ng magtanong ng iba pang bahagi ng isang UTAKBASURA. Okay langba?
- UTAKBASURA: Ge, okay ako sa lahat ng mga bagay na itatanong mo. Kahit tanungin mo pa ako kung gaano ako kalakas kumain o matulog, sasagutin ko lahat.
- AKO: Pwede ko na bang simulan ang ikaapat na tanong?
- UTAKBASURA: Ano pang hinihintay natin? Haha.
- AKO: Eto na. Ilang porsyento ang pingakaiba ni Gibo Arces kay utakbasura?
- UTAKBASURA: Malaki. Sa mundo kasi ng internet, ako yung tipong hindi mo agad-agad makakausap dahil sa sobrang seryoso. Pero sa totoong buhay, hindi. Ako yung tipong malakas magpatawa. Kaya nga hindi halata sa internet dahil sa hindi niyo pa ako nakikilala ng personal. Si Gibo ay ang masayahing tao, bibo at madaling pakisamahan. Pero sa mundo ng internet o sa utakbasura, nagiging ibang tao ako. Nagiging bukas ang isipan ko sa lahat ng mga bagay.
- AKO: Napansin mo bang medyo related sa internet ang tanong last question ko?
- UTAKBASURA: Medyo. Konektado kasi lahat ng bagay sa mundo.
- AKO: Seryoso na. Ngayon, kunwari hawak mo ang isang salamin. Isusuot mo ba? Sure ka? De joke lang. Magbigay ka ng isang taong gusto mong isama sa langit. At para mas malinaw, wag natin isama ang pamilya, syempre alam na yun. Maliban dun.
- UTAKBASURA: Kung meron man talagang langit gaya ng sabi ng mga pari sa Simbahan, wala akong isasama. Bakit? Sinasabi kasi sa bibliya na lahat ng tao ay may iisang patutunguhan lang. Kahit na gaano kalaki ang kasalanan ng isang tao, patatawarin siya ng Diyos at patutuluyin pa rin sa walang-hanggang paraiso. Wala akong isasama kasi baka may bayad. Wala pa naman akong pera, okay lang sana kung hindi mataas ang pader ng paraiso. Haha.
- AKO: At naniwala kang sa langit ka mapupunta?
- UTAKBASURA: Kung may langit man, naniniwala akong dun ako mapupunta.
- AKO: Kung may isang araw ka nalang na natitira para mabuhay, anong gagawin mo?
- UTAKBASURA: Gagawin na parang normal ang lahat. Buhay ko lang naman ang matatapos eh, hindi naman ang pagkabuhay ko. Sasamahan sa isang simpleng lakad ang nobya ko sa umaga.
- Hanggang hapon, pagkatapos ay makikipagsalo sa buong pamilya. At bago ako humiga, magpapasalamat ako sa Diyos sa pagbibigay sa’kin ng isang pagkakataon para maipadama ko sa lahat ng minamahal ko kung gaano ko sila kamahal.
- AKO: Bad side ni Gibo?
- UTAKBASURA: Mainitin ang ulo, pero habang tumatagal ang panahon, mas nakokontrol ko na ang sarili ko. Ang hilig ko kasi sa gulo noon. At mataas din ang pride ko – noon.
- AKO: Good Side?
- UTAKBASURA: Masayahin, madaling pakisamahan. At matatakbuhan din ako kapag may problema ka, pakikinggan kita sa lahat ng problema mo at tutulungan kang hanapan ng solusyon. Basta ba h’wag lang pera, pareho tayo ‘dyan.
- AKO: Talaga may good side?
- UTAKBASURA: Aba’y oo. Kita mo naman siguro ang Yin-Yang ‘diba?
- AKO: Sa panahon ng kalungkutan, paano mo ito tinatakasan?
- UTAKBASURA: Nililibang ang sarili. Kinakausap ang hangin at naglalabas ng hinanakit sa kaibigan kong dagat.
- AKO: Motto in life, sariling motto. With explanation.
- UTAKBASURA: Magmahal ng todo at h’wag matakot masaktan. Tumawa ng matagal hanggang matalo ang kalungkutan. Mabuhay ng masaya at kuntento para malaman ang totoong kahalagahan ng buhay.
- AKO: 10 years from now, ano nang balita sa’yo?
- UTAKBASURA: Siguro magiging isang programmer sa isang kompanya, kuntento sa natatanggap na sweldo at kuntento sa posisyon. Asawa ni Roxanne Cabriana at ama ng mga tatlo o apat kong mga anak. Tumutuloy sa isang simpleng bahay kasama ang aking maliit na pamilya.
- AKO: Ang dahilan kung bakit ka nagiging masaya o maungkot.
- UTAKBASURA: Masaya? Dahil sa mga taong nagmamahal sa’kin at walang humpay na naniniwalang may magagawa ako sa buhay. Kuntento na ako sa isang usapan lang kasama ang isang kaibigan. Malungkot? Mga bagay na nagagawa at nagawa ko sana pero hindi ko nagawa. Mga simpleng bagay rin. Pati na rin ang paglisan at pagkawala ng isang nagmamahal sa’kin.
- AKO: Pwedeng pahabol na question?
- UTAKBASURA: Hindi ka naman siguro pulis para habulin ako ‘diba?
- AKO: Gasgas na ang tell me about yourself. Pero gusto kong hilumin ‘to. Now, tell me about yourself. Yung hindi nila alam. Nakikinig kami sayo, Malaya kang sabihin ang gusto mong sabihin na labas sa mga katanungangito… . (^_____________^)
- UTAKBASURA: Hello sa lahat. Ako si Gilbert Arces, o mas kilala sa mundo ng internet na ‘Gibo’ o ‘utakbasura’. Adik ako sa kompyuter at kape. Mahilig akong magbasa ng libro, kaya nga marami rin akong naibabahagi sa karamihan ng mga sumusubaybay sa mumunti kong blog. At hindi ako gwapo para maglagay ng litrato sa blog ko. Haha.
8 Notes/ Hide
-
theprebby likes this
-
simplykriz likes this
-
missanndee likes this
-
kwentongblog posted this

